Stressful at Sayang pera
Mechanigo offers home service for car repairs and maintenance. I contacted them 2x for different reasons lagi pag tagulan dahil di ako makaalis.
First, nabutasan ako ng gulong sa rear at need na palitan ng spare tire para makaandar at makabili ako ng replacement na gulong. After niya ireplace ang spare tire mababa ang hangin, meron siyang dala na cord pang pump na icconect sa battery ng sasakyan. Pero dahil malaki ang sasakyan ko hindi abot ang cord papunta sa likod na gulong. Dapat sana hinanginan muna ni kuya bago ikinabit. Dahil pagod na siya, sabi niya paandarin nalang namin ng sobrang bagal dahil almost dapa na rin pala ng spare. We let that be dahil nga hapon na at pagod na si kuya. Iniwan na niya kami ng ganun.
2nd na mas worse. Nagpa PMS kami dahil maulan naisip ko pa home service nalang, May regular PMS sila ng change oil at top up fluids kasama narin ang 21point safety check (6499 + 350 home svc fee). Sabi ng agent na iccheck din nila ang cabin and air filter, brake pads at ATF. Dumating ang tech nila did oil change at check brakepads makapal pa, filters malinis pa at ATF ay di pala nila kaya icheck dahil walang dipstick and unit ko. They know the unit make and model and did not know this before offering the service.
Since filters are clean pa at makapal pa brake pads, pinipilit ng kuya na kunin na namin mga new items for replacement daw, eh ang mahal din dun. Pero kinuha nalang namin filters pang spare dahil iniinsist niya (3000+).
Paalis na si kuya at nagmamadali like the previous tech, tinanong ko siya about other checks, di man lang nagcheck battery lights etc na kasama sa 21pts check daw, at safety check di man lang niscan for issues. Kaya hinayaan ko nalang umalis siya. Final issue wala siyang dala POS para magbayad ako.
They sent another tech the following day to get the payments through POS kasi 3 months installment. Kaso di rin marunong tech at inistraight payment, hindi rin marunong magvoid. Di ko na pina deferred sa bank kasi may additional fee pa, pero this affected my budget for the coming month.
Hindi ako nagkaron ng magandang experience sakanila but i gave them a chance. Hindi na ko ulit babalik sa mechanigo.ph. Based sa observation ko, di fully trained ang techs, walang standards na finafollow at clear na process sa pgcheck ng units even before the appointment. Not worth ng bayad, magpunta nalang kayo sa mga service bays ng gasoline stations or if may shops na malapit sainyo. Kahit siguro on-call mekanikos for simple fixes much better dahil same lang at baka mas lower ang cost.
31 July 2024
Unprompted review